PhilHealth, pinalawig ang accreditation ng health facilities sa bansa

61

Pinalawig ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng isang buwan ang bisa ng akreditasyon ng mga health facility sa bansa.

Ito ay matapos na ilang ospital ang nagpahayag na hindi na sila magre-renew ng akreditasyon sa PhilHealth simula sa Enero ng 2022.

Ayon kay PhilHealth President at Chief Executive Officer Atty. Dante Gierran, ang validity ng accreditation para sa lahat ng health facility na kasalukuyang nakarehistro ay tatagal hanggang Enero 31, 2022


Gayunpaman, dapat na nagsumite ang mga ito ng kumpletong aplikasyon para sa akreditasyon sa 2022 sa o bago ang Enero 31, 2022.

Facebook Comments