DOJ Prosecutor Navera, pumanaw na

113
COURTESY: Alysandra De La Cruz Facebook post

Nagluluksa ngayon ang Department of Justice (DOJ) sa pagpanaw ni DOJ Prosecutor Juan Pedro “JP” Navera kagabi.

Si Navera ay binawian ng buhay dahil sa matinding karamdaman.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, labis siyang nalulungkot sa pagpanaw ni Fiscal Navera na tinawag niyang isa sa best and most dedicated state prosecutors.

Malaki aniyang kawalan sa national prosecution service ang pagpanaw ni Prosecutor Navera.

Una nang lumutang ang report na pancreatic cancer ang ikinasawi ni Fiscal Navera, bagama’t wala pang nagkukumpirma nito mula sa mga opisyal ng DOJ.

Ang kanyang labi ay ilalagak sa Loyola Memorial Park sa Parañaque simula mamayang gabi.




Facebook Comments