DOJ, pumalag sa pahayag ng human rights group kaugnay sa iligal na droga

Umalma ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa naging pahayag ng human rights group na wala umanong nagbago sa sitwasyon ng iligal na droga at karapatang pantao mula nang maging pangulo ng bansa si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, magkakaiba umano ang paraan ng administrasyong Marcos pagdating sa pakikipaglaban sa iligal na droga.

Maaari naman aniyang kausapin ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa kanilang pamamaraan sa pagsugpo ng iligal na droga kung saan, kanila ding iba-validate ang impormasyong inilabas ng nasabing grupo.


Dagdag pa ni Remulla, nakatutok ang gobyerno sa mga kaso katulad ng extrajudicial killings kung saan nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at pagdinig sa naturang kaso.

Facebook Comments