Dating PCSO BM Sandra Cam, laya na mula sa PNP Custodial Center

Nakalabas na mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center si Former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam.

Ito ang kinumpirma ni PNP Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Red Maranan.

Si Cam ay nakalaya na makaraang ipawalang sala ng Manila Regional Trial Court Branch 42 kasama ang kaniyang anak na si Marco Martin Cam at 5 iba pa sa kasong murder kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.


Base sa desisyon ng korte, bigo ang prosekusyon na patunayang guilty si Cam at iba pa sa pagpatay kay Yuson.

Ayon kay PCol. Maranan, dakong alas-10:52 kagabi nang palayain mula sa custodial center si Sandra Cam.

Facebook Comments