DOJ: Reimbursement scheme sa mga pasaherong hindi makakasakay sa kanilang flight, posibleng maabuso

Nangangamba ang Department of Justice (DOJ) na posibleng maaabuso ang itinutulak na reimbursement scheme sa mga pasahero ng eroplano na hindi makakasakay sa kanilang flight dahil sa gagawing paghihigpit ng Immigration officers.

Ito ang pahayag ng DOJ kasunod ng mungkahi ng ilang senador na bayaran ang mga pasahero na mapipilitang madoble ang gastos kung hindi umabot sa kanilang flight.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, posibleng maabuso ito kapag nalaman ng mga tao na maaari nilang mabawi ang kanilang ibinayad sa pamasahe.


Kailangan aniyang pag-aralan ng husto ang naturang mungkahi.

Makikipagpulong naman ang DOJ kay Immigration Commissioner Norman Tansingco at sa Inter-Agency Council Against Trafficking kung ano ang ibang paraan maliban sa reimbursement.

Facebook Comments