DOJ Sec. Guevarra, may babala sa planong reward system laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno

109

Bukas si Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagpapatupad ng reward system ng mega task force kaugnay ng kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian.

Gayunman, sinabi ni Sec. Guevarra na walang sariling resources o pondo ang mega task force para sa reward system.


Kung magkakaroon man aniya ng reward system, posibleng manggaling ang pera sa discretionary funds ng Pangulo.

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na posibleng magdulot ito ng pagdagsa ng mga tip na walang basehan.

Ayon sa kalihim, ang mga tip o impormasyon ay dapat na sinasala ng maayos bago ipagkaloob ang pabuya

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng ₱50,000 hanggang ₱100,000 na reward sa mga makakapagbigay ng mga impormasyon laban sa korapsyon sa pamahalaan.




Facebook Comments