NPA, sumuko sa tropa ng gobyerno sa Bulalacao, Oriental Mindoro

Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga sundalo at pulis sa Brgy. Nasucob, Bulalacao, Oriental Mindoro.

Kinilala ito sa alyas na Brendo, miyembro ng SRMA 4D KLG MAV na grupo ng NPA na nanggugulo at nangongotong sa mga nakatira sa Brgy. Nasucob.

Nauna nang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lugar ang 11 rebelde na kabilang sa Militia ng Bayan.


Samantala, narekober naman ng military ang isang mataas na kalibre ng armas matapos itong ituro ng sumukong NPA sa General Nakar, Brgy, Lumutan.

Ang nakuhang armas ay M14 rifle na pagmamay-ari ng isang alyas Luis at ipinagkatiwala sa sumukong NPA.

Sinabi naman ni 203rd Brigade Commander Col. Jose Augusto Villareal na ang sunod-sunod na pagsuko ng NPA sa lugar ay patunay na seryoso ang mga dating mga rebelde na magbagong buhay at iwan na ang marahas na pakikibaka.

Facebook Comments