DOJ Sec. Remulla, babalik na sa trabaho sa Huwebes matapos mahawaan ng COVID-19

38

Tinatapos na lamang ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pitong araw na quarantine period matapos itong tamaan ng COVID-19.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano na papasok na muli sa trabaho si Remulla sa araw ng Huwebes.

Gayunman, patuloy pa rin anya ang kalihim sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng work-from-home arrangement.


Nilinaw naman ni Atty. Clavano na ang pitong araw na quarantine ni Remulla ay bilang pagsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH).

Ito’y kahit na malakas na sa ngayon ang opisyal at wala ng nararamdamang anumang sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments