DOJ Sec. Remulla, makikipagpulong na sa Anti-Terror Council kaugnay ng pagdedeklara kay Cong. Arnolfo Teves Jr., bilang terorista

Makikipagpulong na si Justice Sec. Crispin Remulla sa Anti-Terror Council para pag-usapan ang designation ni Congressman Arnolfo Teves Jr., bilang terorista.

Ayon kay Remulla, ilan ding kasamahan ni Teves sa aniya’y terror organization ang balak din nilang isama sa mga listahan ng terorista.

Aniya, tatlo hanggang limang indibidwal na tauhan ni Teves ang balak din nilang ideklarang terorista.


Sinabi ni Remulla na ang naturang mga tauhan ay may malaking partisipasyon sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Tumanggi naman ang kalihim na tukuyin kung may mga politiko sa mga ito.

Facebook Comments