Gen. Acorda, nararapat bilang bagong PNP chief ayon kay DILG Secretary Abalos

Nararapat umano si Major General Benjamin Acorda Jr., bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief, matapos siyang italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na si Acorda ang nararapat na mamuno sa PNP dahil sa kanyang malawak na karanasan at integridad upang tuparin ang hamon ng pagiging isang chief PNP.

Si Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 at naging pinuno ng Directorate for Intelligence ng PNP noong Agosto 2022, Palawan Police Provincial Office chief mula 2014 hanggang 2016 at nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office 10 ng Northern Mindanao.


Sinabi ni Abalos, na sa bagong yugto ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Acorda, patuloy ang suportang ibibigay ng DILG sa pagpapatupad ng napapanahong pagbabago sa kapulisan habang masigasig nitong tinutupad ang mandato nito na pangalagaan at proteksyunan ang ating mga kababayan.

Facebook Comments