DOJ Secretary Remulla, aminadong nabiktima ng fake news

Inaminin ni Justice Secretary Crispin Remulla na na siya ay nabiktima ng fake news, ito’y may kaugnayan sa bangkay na natagpuan sa septic tank ng New Bilibid Prison (NBP).

Una kasing sinabi ng kalihim na ang bangkay na natagpuan ay mula sa nagngangalang si Michael Catanoja na isang person deprived of liberty (PDL).

Sa ginawang pagdinig sa House of Representatives sinabi nito na naging mabilis lamang ang pagbibigay nito ng impormasyon kahit na walang kumpirmasyon.


Sa ngayon ay nananatiling nawawala ang PDL na si Cataroja at patuloy pa rin naman siyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Facebook Comments