PSA, sinimulan ng ayusin ang kanilang website para sa mas madaling access ng publiko

Inayos na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang websites para madaling ma-access ng mga students, data analysts at mamamayan ang kanilang datus.

Ayon kay National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, na mobile friendly na ang kanilang websites na psa.gov.ph. na ibig sabihin ay madali na ring buksan sa mga cellphones.

Itinuturing nito na ang kanilang websites bilang “one stop platform.


Halos lahat niya ng mga pag-aaral, surveys at researches na nakulekta at naisulat ng kanilang researchers ay makikita at maaring maidownload ng mga mag-aaral, academe, journalist, politicians at mamamayan.

Iginiit nito na mahalaga sa mga Pilipino na magkaroon ng access sa data para sa research na makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Facebook Comments