DOJ, tiniyak ang proteksyon sa pag-uwi sa bansa ni Cong. Arnolfo Teves Jr.

Tiniyak ni Justice Sec. Crispin Remulla ang seguridad ni Cong. Arnolfo Teves Jr., sa kanyang pagbalik sa Pilipinas.

Ito ay matapos ihayag ng kampo ni Teves na ang pangamba sa kaligtasan nito ang dahilan kaya atubili siyang bumalik ng Pilipinas mula Amerika.

Tumanggi naman si Remulla na tukuyin kung si Teves Jr., o ang kapatid nitong napatalsik na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves ang utak sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo.


Sinabi ng kalihim na wala pang ebidensya na magdidiin kay Pryde Henry Teves sa krimen.

Una nang iginiit ng kampo ni Teves na planted daw ang mga armas na nakuha ng mga awtoridad nang i-raid ang mga tahanan nito sa Negros Oriental.

Facebook Comments