Grupo ng mga mangingisda, maglulunsad bukas ng tigil pangingisda

Titigil muna sa pangingisda bukas ang mga mangingisda sa lalawigan ng Cavite.

Sa isang advisory, sinabi ng Pambansang Mamalakaya o PAMALAKAYA.

Ito ay bilang protesta ng grupo laban sa nagpapatuloy na paghuhukay at reclamation sa Manila Bay.


Sasama ang mga mangingisda sa isang fluvial protest sa Rosario, Cavite.

Nanindigan ang PAMALAKAYA na winawasak ng reclamation sa Manila Bay ang kabuhayan ng mga mangingisda.

Sa tindi anila ng noise pollution, natataboy o nawawala na ang mga isda.

Facebook Comments