DOJ, tiniyak na agad na maglalabas ng travel alert order laban sa mga at large pang suspek sa pagkamatay ng flight attendant sa Makati

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na agad niyang aatasan ang Bureau of Immigration (BI) na mag-isyu ng travel alert order laban sa mga nakalalaya pang suspek sa pagkamatay ng flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Angelica Dacera.

Ayon kay Sec. Guevarra, ito ay sa sandaling maghain na ng pormal na reklamo sa piskalya ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek.

Sa ngayon, ipauubaya na muna ng Department of Justice (DOJ) sa PNP ang imbestigasyon sa posibleng panggagahasa at pagpatay kay Dacera.


Tatlong suspek pa lamang ang hawak ng mga otoridad sa ngayon at walo pa ang at large.

Facebook Comments