3 Nigerian nationals, natimbog sa anti-drug operation sa Cavite

Arestado ang tatlong Nigerian sa magkahiwalay na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Trias City, Cavite.

Unang sinalakay ng PDEA ang bahay ni Ifeañyi Ofoma, 22 anyos, residente ng Brgy. Bacao 1.

Nakumpiska sa kaniya ang 1,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6,800,000.00.


Dito na isinunod na sinalakay ng PDEA ang isa pang bahay sa Lancaster New City, Barangay Navarro, General Trias City na nagresulta sa pagkaka- aresto kina Benjamin Enemuo Ebubechukwum at Chidubem Nwonu.

Nakuha sa mga ito ang 5,000 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱600,000.00 at 500 grams ng shabu, isang unit ng digital weighing scale at ang buy-bust money.

Facebook Comments