DOJ, tiniyak na hindi maaapektuhan ang takbo ng imbestigasyon sa Degamo killing kaugnay ng pagbaliktad ng mga suspek

Tiniyak ni Justice Sec. Crispin Remulla na hindi maaapektuhan ang kaso ng gobyerno laban sa mga sangkot sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Kasunod ito ng pagbawi ng mga suspek sa kanilang naunang mga testimonya.

Naniniwala rin si Remulla na may nasa likod ng sunud-sunod na pagbaliktad ng mga suspek.


Aniya, talagang may nagpopondo para sirain ang takbo ng imbestigasyon sa kaso.

Iginiit din ng kalihim na hindi sila ang nililitis dito kundi ang mga sangkot sa pagpatay kay Degamo at sa 9 na iba pa, gayundin sa pagkasugat ng maraming indibidwal.

Facebook Comments