5 pang suspek sa Degamo killing, bumaliktad

Lima pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang bumawi na rin sa kanilang naunang testimonya.

Ito ang kinumpirma ng kanilang abogado na si Atty. Jord Valenton

Naghain din ang kampo ng mga suspek ng motion to quash sa korte dahil sa anila’y ilegal na pag-aresto sa kanila.


Ayon sa mga akusado, napilitan lamang sila na lumagda sa nauna nilang salaysay dahil tinorture sila.

Mananatili muna ang mga akusado sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Magugunitang noong nakaraang linggo ay naghain naman ng petition for habeas corpus ang kampo ng isa sa mga bumaliktad na suspek sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Atty. Danny Villanueva, abogado ng suspek na si Joven Javier, layon ng petisyon na ilabas si Javier dahil nanganganib aniya ang buhay nito sa loob ng detention facility.

Facebook Comments