Pinawi ng Department of Justice (DOJ) ang pangamba ng mga residente ng muntilupa sa naging paglilipat ng 18 inmates ng Correctional Institution for Women sa new bilibid prisons na pawang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Justice Spokesman Undersecretary Markk Perete, nauunawaan nila ang pangamba ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at ng mga residente ng lungsod.
Aniya, sinubukan naman ng Bureau of Corrections (BUCOR) na makipag-ugnayan sa muntinlupa lgu subalit hindi ito mahagilap.
Tiniyak ng DOJ sa Muntinlupa City Government at sa mga residente nito na sinunod ng BUCOR ang protocol at tamang pag-iingat sa paglilipat ng inmates na COVID-19 patients mula sa women’s correctional.
Ang quarantine facility din anila sa loob ng new bilibid prisons ay pasok sa standards ng World Health Organiation (WHO) at ng Department od Health (DOH).