DOJ, tiniyak na tutulong na rin sa imbestigasyon sa alegasyon ng cyanide fishing ng mga dayuhan sa Bajo de Masinloc

 

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tutulong na rin sila sa imbestigasyon hinggil sa alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, buo ang suporta ng DOJ na pangalagaan ang West Philippine Sea (WPS).

Determinado umano ang ahensya na tugunan ang isyu sa umano’y cyanide fishing o panlalason sa mga coral ng mga Tsino sa nasabing bahagi ng karagatan.


Kung maaalala, una nang kumilos ang DOJ sa nagpapatuloy na aksyong ligal nito laban sa China malapit sa Scarborough Shoal na nakasira sa coral reefs sa lugar.

Matindi umano ang epekto nito sa pagkasira hindi lamang sa biodiversity kundi pati na rin sa mga mangingisda.

Facebook Comments