Pangulong Marcos, nagpaabot ng pagbati para sa susunod na pangulo ng Indonesia

Hindi pa man opisyal na nadedeklara bilang pangulo, nagpaabot na nang maagang ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto.

Ito ay matapos manguna si Subianto sa pinakahuling electoral count upang maging susunod na pangulo ng Indonesia.

Ayon kay Pangulong Marcos, umaasa siyang mapapalalim pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia bilang isang malapit na bansa sa ilalim ng bagong pamamahala sa Indonesia.


Nabatid na ang dalawang bansa ay matagal nang magkasosyo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at magkapitbahay, bukod pa sa 75 taon ng mahabang relasyong diplomatiko.

Facebook Comments