DOJ, tiniyak na walang onerous provisions sa dalawang water deals

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na walang onerous provisions sa bagong concession agreement na lalagdaan sa Maynilad Water Services Inc.

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra, na may ilang probisyon na non-negotiable.

Kabilang sa mga binanggit ni Guevarra ay ang pagtatanggal ng non-interference clause, ang non-chargeability ng corporate income taxt sa water bills ng mga consumers, audit ng Commission on Audit (COA), at mas transparent governance mechanism.


Ngayong araw ay sisimulan ng pamahalaan at mga kinatawan ng water concession ang pag-uusap ukol sa bagong concession agreement.

Ang government panel ay nagpadala na ng kopya ng revised concession agreement sa Maynilad.

Una nang nilagdaan ang bagong water concession agreement sa Manila Water Company noong March 31.

Facebook Comments