DOJ, umaasang susunod si Cong. Defensor sa batas ukol sa paggamit at pamamahagi ng gamot

Umaasa ang Department of Justice (DOJ) na susunod si Anakalusugan partylist Representative Michael Defensor sa batas ukol sa paggamit at pamamahagi ng gamot sa bansa.

Ito ang pahayag ng kagawaran matapos i-anunsyo ng mambabatas na mamamahagi siya ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga resident eng Quezon City para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tiwala siya na alam ni Cong. Defensor ang Food and Drug Administration (FDA) Law.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Defensor na mamamahagi sila ng Ivermectin sa mga residente ng libre habang hindi pa accessible sa publiko ang COVID-19 vaccines.

Dagdag pa ni Defensor na ang mga senior citizens at may sakit dapat ang makatanggap ng Ivermectin.

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) at FDA na hindi pa aprubado ang Ivemectin bilang COVID-19 treatment.

Facebook Comments