DOJ Usec. Emmeline Villar, nagbitiw sa pwesto

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar epektibo sa March 21,2022.

Ito ay para tumulong sa kampanya ng kaniyang asawang si senatoriable Mark Villar.

Si Usec. Villar ang siyang in charge sa Inter-Agency Council Against (human) Trafficking (IACAT) at ng DOJ gender and special protections group.


Siya rin ang in charge sa DOJ secretary’s legal staff.

Pansamantala namang papalit kay Usec. Villar si Chief State Counsel George Ortha II.

Facebook Comments