NCR, lumagpas sa bilang ng target para sa COVID vaccination

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na lumagpas sa kanilang target ang bilang ng mga nabakunahan sa National Capital Region (NCR) kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire , umaabot na sa 11.5 million ang nabakunahan sa NCR.

85% din aniya sa senior citizens sa Metro Manila ang nabakunahan kontra COVID-19 at 96% naman ang naturukan na may comorbidities.


Tiniyak din ni Vergeire na sapat ngayon ang supply ng COVID vaccines sa bansa.

Sa ngayon aniya, 225 million doses ang bakuna sa bansa at nakapag-deploy na sila ng 171 million.

Mayroon pa aniya silang imbak ng mga bakuna sa kanilang mga warehouse.

Facebook Comments