Mga bata sa Pasay na may comorbidity, babakunahan na rin bukas

45

Sisimulan na rin bukas ang pagbabakuna sa mga bata sa Pasay City na may comorbidity.

Partikular ang mga bata na nasa edad 12 hanggang 16.

Gagawin ang pagbabakuna sa Pasay City General Hospital


Ang ceremonial vaccination sa lungsod ay pangungunahan ng OIC ng ospital na si Dr. John Victor de Gracia.

Hindi naman binanggit kung ilang mga bata ang sasalang sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments