Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang doktor dahil sa pagbebenta ng overpriced na thermal scanners.
Ayon kay Justice Usec. Markk Perete, batay sa ibinigay na impormasyon ng NBI, ang suspek ay si Dr. Cedric John De Castro, isang medical doctor.
Batay sa impormasyon ng NBI, si Dr. De Castro ay nagbebenta ng thermal scanners sa halagang P9,500 kada piraso taliwas sa tunay na presyo nito na 800 pesos hanggang P1,500.
Pero ang mga nasabing thermal scanners ay sinasabing donasyon sa suspek, dahil siya ang presidente ng Lion’s Club, New Manila.
Ayon sa NBI, ibinebenta ni De Castro ang kabuuang 150 units ng thermal scanners sa halagang P1.2 million.
Ang doktor ay dinala na sa NBI main office para booking procedures at dadalhin siya sa Quezon City Prosecutor’s office maisalang inquest proceedings.