Special powers ni PRRD para tugunan ang COVID crisis, siguradong hindi maaabuso

59

Tiniyak ng malakanyang na hindi maabuso ang dagdag kapangyarihang ipinagkaloob ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakapaloob sa ipinasang Bayanihan to Heal as One Act.

Diin ni presidential Chief Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, ang special powers na ibinigay sa Chief Executive ay gagamitin lamang base sa kung ano ang itinatakda ng Konstitusyon para matugunan ang kinakaharap ngayong krisis dulot ng covid 19.


Paliwanag ni Panelo, may hangganan o restriksyon ang special powers ng Presidente at ang bisa nito ay limitado kaya siguradong hindi maaabuso.

Facebook Comments