Ipinasisilip ng isang doktor na tinamaan ng novel coronavirus (COVID-19) sa netizen ang araw-araw na epekto ng sakit sa kanyang katawan.
Nahawa si Dr. Yale Tung Chen habang nanggagamot sa Hospital Universitario La Paz sa Madrid, Spain, kung saan siya nagtatrabaho bilang emergency physician, batay sa ulat ng New York Post.
Bawat araw, ibinabahagi ng 35-anyos na doktor sa Twitter ang ultrasound ng kanyang baga, pati ang mga pananakit at kirot habang naka-quarantine sa kanyang bahay.
Kapalit ng mahalagang impormasyon tungkol sa pinangangambahang virus ay ang pasasalamat at hiling ng followers sa paggaling ng doktor.
“It meant the whole world to me to receive support from people all around the world,” pahayag ni Chen sa NBC News.
Sa ngayon, mild pa umano ang mga sintomas na nararanasan ni Chen, tulad ng ubo, pagtatae, at pananakit ng ulo.
Sa unang araw, matapos masuring positibo, nakaramdam umano ang doktor ng kirot sa lalamunan, sakit ng ulo at ubo na pare-parehong nabawasan sa sumunod na araw.
Day 1 after #COVID diagnosis. Sore throat, headache (strong!), Dry cough but not shortness of breath. No lung US abnormalities. Will keep a #POCUS track of my lungs. #coronavirus @TomasVillen @ButterflyNetInc pic.twitter.com/wLtSc70pxQ
— Yale Tung Chen (@yaletung) March 9, 2020
Day 2 after #COVID diagnosis. Less sore throat, cough & headache (thank God!), still no shortness of breath or pleuritic chest pain. #POCUS update: small bilateral pleural effusion, thickened pleural line & basal b-lines (plaps). #coronavirus @TomasVillen @ButterflyNetInc pic.twitter.com/tpKkeFdhac
— Yale Tung Chen (@yaletung) March 10, 2020
Tuluyang nawala ang sakit sa lalamunan at ulo sa ikatlong araw, kung kailan nagsimula naman ang kanyang pagtatae.
Day 3 after #COVID diagnosis. No sore throat/headache. Yesterday was cough day, still no shortness of breath/chest pain. Diarrhea started, lucky cough got better. #POCUS update: similar effusion, seems less thickened pleural line + no b-lines (PLAPS). #mycoviddiary @TomasVillen pic.twitter.com/ycJfQNtLL8
— Yale Tung Chen (@yaletung) March 11, 2020
Sa ika-apat na araw, bumalik ang ubo na sinamahan na ng pagkapagod, ngunit wala pa rin daw nangyayaring paninikip ng dibdib.
Day 4 after #COVID diagnosis. More cough & tiredness (very badly), still no dyspnea/chest pain. #POCUS update: Right side on resolution, Left side a more thickened pleural line + 2 subpleural consolidations. #mycoviddiary @TomasVillen pic.twitter.com/KBUf084mkC
— Yale Tung Chen (@yaletung) March 12, 2020
Ngunit, higit sa mga sintomas, sinabi ni Chen sa panayam ng MobiHealthNews na mas ikinababahala niya ang pagkawalay sa kanyang mga anak at asawa.