Isang Barangay Treasurer sa Calasiao Pangasinan pinagbabaril, patay

Calasiao Pangasinan – Pinagbabaril habang nagkakape sa labas ng kanilang bahay si Lauro Parajas, 63 anyos ng Brgy. Bued, Calasiao Pangasinan. Ayon sa saksi na inaanak nito sinubukan nyang bigyan ng babala ang biktima na may lalaking papalapit dito na may dalang baril ngunit sadyang mabilis ang suspect na nakalapit sa biktima at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Sa paunang impormasyon na ibinigay ng mga awtoridad tama sa ulo ang sanhi ng agarang kamatayan ng biktima at nagkakaroon na sila ng follow up operation base narin sa mga salaysay ng saksi para ma-trace ang mga riding in tandem na bumaril kay Parajas.
Ang biktima ay dating kagawad at kasalukuyang treasurer ng kanilang barangay. Tinitignan ang mga anggulong personal at pulitika sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kaso. Nauna into ayon sa apo ng biktima nakatanggap na ng death threat ang kanyang lolo gabi pa lamang ng linggo.

Pangalawa itong insidente ng pamamaril ng riding in tandem sa lalawigan ngayong buwan, una rito ay ang pagpatay sa abogado ng peryahan ng bayan nitong nakaraang biyernes.


Facebook Comments