Doktor sa Asian Hospital sa Muntinlupa, nasawi sa gitna ng laban kontra COVID-19

90

Isa na namang doktor ang nasawi sa gitna ng laban kontra COVID-19.

Kinilala ang makabagong bayani na si Dr. Mary grace lim ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa.


Ayon sa pamunuan ng ospital, ikinalulungkot nila ang pagkawala ni Dr. Lim na inilarawan nila bilang isang remarkable doctor, mabuting kaibigan at mentor.

Nangako naman ang ospital kay Dr. Lim at sa mamamayan ng bansa na patuloy silang lalaban hanggang sa matuldukan ang pandemic.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Philippine Medical Association ng 17 doktor na nasawi sa giyera kontra COVID-19, bagay na isinisisi nila sa kakapusan ng mga Personal Protective Equipment (PPE).

Facebook Comments