Lalaking nakuhanan ng marijuana sa isang checkpoint sa Pasig City, arestado

39

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa Pasig City matapos itong makuhanan ng umano ay marijuana sa checkpiont ng lungsod.

Nakilala ang suspek na si Geeric Velasco Cruz, alyas Ric, 24-anyos.


Nakuha mula sa suspek ang 91 grams ng marijuana na may katumbas na halagang P10,920.

Batay na ulat ng pasig pulis, pasado alas-4:05 kahapon habang nagsasagawa ng checkpoint sa Pascua St., Brgy Bagong-ilog, ng nasabing lungsod, sinita nila ang suspek dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Pero ng magsagawa nga inspeksyon ang mga pulis, nakita mula sa suspek ang nasabing marijuana na nakalagay sa loob ng kanyang belt-bag.

Kaya naman agad itong inaresto ng mga otoridad at dinala Police Community Precinct 10 ng Pasig City PNP.

Nahaharap ang suspek sa patungpatong na kaso tulad sa paglabag sa republic act 9165 o may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga  at Republican Act 11332 kaugnay naman Disobedience against person in authority.


Facebook Comments