Humaharap sa dalawang taong pagkakakulong ang isang 66-anyos na doktor mula sa France matapos nitong ubuhan ang mga pulis na noo’y rumiresponde dahil sa reklamo ng pang-aabuso laban sa kanya.
Ayon sa asawa ng doktor, kasalukuyang nasa medical leave ang kanyang mister mula sa isang ospital sa northern city of Lille dahil sa hinihinalang COVID-19.
Binigyan ng mga pulis ng mask at gloves ang doktor para imbitahan sa sasakyan at dito na raw biglang nagtanggal ito ng mask saka nagpaiwan ng malakas na pag-ubo at sinabing mayroong siyang COVID-19.
Dahil dito, nadagdagan ang reklamo laban sa naturang doktor na noo’y hinablaan lamang ng “domestic violence” at agad nagatungan ng “violence against persons discharging public authority.”
Nito lamang Lunes ay idinala sa korte ang doktor at kasalukuyang nasa detention period matapos masintensyahan.
Ipinagbawal din itong magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanyang asawa.
Samantala, ang mga police officers na nasa sasakyan kasama ang doktor ay sumailalim na sa medical surveillance.