Taytay Mobile Market, sinimulan na

55

Umarangkada na sa Taytay Rizal ang tinatawag na “Taytay Mobile Market” upang mapanatili ang mahigpit na Social Distancing para hindi madapuan ng COVID-19.

Ayon kay Taytay Rizal Mayor Joric Gacula, ang Taytay Mobile Market ay iikot sa iba’t ibang Purok at Sitio ng bayan ng Taytay Rizal para mas komportable sa mga mamimili na nakatira sa lugar na malayo sa ating palengke.


Paliwanag ng Alkalde, presyong palengke at mas komportable sa mga mamimili bilang  tulong na rin sa mga maninindang taga Taytay Rizal.

Layunin din aniya ng Mobile Market na mabawasan ang mga namimili at maiwasan ang  mga siksikan sa mga Pamilihang bayan.

Nagpa-abot ng pasasalamat si Mayor Gacula sa bumuo ng Mobile Market, sa pangunguna ng Taytay General Services Office, sa pag-agapay at tulong ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Michell Bermundo.

Facebook Comments