Doktor sa Maynila, patay matapos masagasaan ng truck

1828

Nasawi ang isang doktor nang masagasaan ng isang truck sa Pandacan, Maynila matapos manggaling sa ospital na pinagtatrabahuan.

Ayon sa report ng Manila police officer investigation section, pauwi na noon si Dr. Ma. Theresa Dajao,54, galing sa kanyang duty sa Kahilum Health Center nang maaksidente ng 10-wheeler truck.

Sakay ng bisikleta ay binaybay umano ng biktima ang northbound lane ng Quirino Avenue nang mangyari ang trahedya.

Bigla raw itong nasagasaan ng truck mula sa kanyang likuran.

Isang physician-in-charge ng naturang health center si Dajao at isa ring medical officer IV ng Manila health department.

Base kay Dr. Arnold Pangan, acting city health officer ng Manila health department, bisikleta lang ang sinasakyan ng biktima pagpasok dahil malapit lang umano sa pinagtatrabahuan nito ang kanilang bahay.

Samantala, arestado naman ang 36-anyos na truck driver ngunit nakalaya rin nang maareglo ang kaso.




Facebook Comments