Doktor sa Russia, tumalon mula bintana ng ospital dahil umano sa ‘pressure’ sa gitna ng COVID-19 outbreak

Kritikal ang isang doktor mula Russia matapos itong tumalon mula sa bintana ng ikalawang palapag ng ospital dahil umano sa pressure sa gitna ng coronavirus outbreak.

Naging mapanganib ang kondisyon ni Dr. Alexander Shulepov, 37, dahil sa tinamong head injuries mula sa na nangyari noong Sabado.

Sa report ng East2West, bago mangyari ang insidente ay naglabas ng video si Shulepov na naglalaman ng saloobin laban sa pagpapatrabaho sa kanya kahit nagpositibo na umano sa COVID-19.


Nagreklamo na rin daw siya at ang kanyang mga kasamahan tungkol sa mabilis na pagkakaubusan ng personal protective equipment (PPE) sa ospital sa southwestern city of Voronezh.

Habang nakaratay sa Novousmanskaya district hospital, naglabas ng panibagong video si Shulepov kung saan binabawi umano nito ang mga naunang alegasyon.

May mga hinala rin na sapilitan siyang pinaglabas ng mga naunang pahayag.

Samantala, nakasama naman sa video ang parademic na si Alexander Kosyakin na hinihinalang nagpakalat daw ng maling impormasyon tungkol sa nagkakaubusang PPE at ngayo’y iniimbestigahan ng

Saad daw nito sa video, “Ambulance doctor Alexander Shulepov is next to me, he is just confirmed COVID-19. The chief doctor is forcing us to work. What do we do in this situation?”

“We are not leaving the shift … myself and Alexander has been working together for a month. This is the situation. Everyone says it’s fake (but) these are real facts for you,” dagdag nito.

Kaugnay nito, sa kasunod namang video na inilabas ni Shulepov, sinabi niyang umaayos na ang kanyang kalagayan matapos ang nangyari.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang chief doctor ng ospital kaugnay ng nangyari.

Facebook Comments