Dokumentaryo ng New York Times, bahagi ng ouster plot ayon sa Malakanyang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na bahagi ng ‘oust Duterte plot’ ang dokumentaryo ng the New York Times tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ang docu na pinamagatang “When the President says, I’ll kill you” ay nakasentro sa war on drugs ng pamahalaan.
 
Ipinakita dito ang madugong operasyon ng mga pulis at ang mga umanoy kaso ng extrajudicial killing.
 
May isa ring editorial ang the New York Times, na pinamagatang “The accountability for Duterte”.
 
Hinihikayat nito ang pagpapataw ng parusa ng European Union sa Pilipinas sa gitna ng posibleng pagbuhay sa death penalty at pagpapababa ng criminal liability sa edad na siyam na taong gulang.
 
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, malinaw na isa itong “demolition work” sa kabila ng mataas na approval rating ng pangulo.
 
May ilan anyang personalidad at politiko ang nagpopondo at ginagamit ng mga ito ang nasabing artikulo para mapatalsik sa pwesto ang pangulo.
 
Sa kabila nito, iginiit ni Abella na hindi magpapatinag dito ang administrasyon.


Facebook Comments