Dokumento ng mga Pinoy na manggagawa sa palm oil plantations sa Sabah, Malaysia, nakumpleto na

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligal na ang pagtatrabaho ng halos 2,000 Pilipinong manggagawa sa palm oil plantations sa Sabah, Malaysia.

Ito ay matapos na mai-release na ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia ang passport at iba pang dokumento ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) doon.

Nabigyan na rin ng birth certificate at passport ang anak ng OFW sa nasabing plantasyon.


Nakatakda ring magtungo ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Lahad Datu para magbigay rin ng consular service sa Filipino plantation workers doon.

Facebook Comments