Sakit na leptospirosis, tumaas mula ika-1 ng Enero hanggang ika-1 ng Setyembre ngayong 2022 – QC Health Office

66

Nakapagtala ang Quezon City Health Office ng 78 kaso ng leptospirosis mula ika-1 ng Enero hanggang ika-1 ng Setyembre ngayong taon.

Ayon sa QC Health Office, mas mataas ito kumpara sa bilang ng kaso noong nakalipas na taon.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa lungsod na mag ingat lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.


Base sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nakapagtala ang District 2 ng pinakamataas na bilang ng kaso na abot sa 24, apat na kaso naman ang naitala sa District 3.

Ayon pa sa ulat, may 11 na ang bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis.

Facebook Comments