Dokumentong nag-uutos para sa deputization ng PNP, AFP para sa nakatakdang BOL plebiscite, isinapubliko

Manila, Philippines – Inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang Memorandum Order (MO) number 34 na nagde-deputize sa Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa gagawing plebesito sa Bangsamoro Autonomous Region sa darating na January 21.

Sa bisa ng MO 34 ay inaatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP at PNP na agad makipag-ugnayan sa Commission on Elections (Comelec) upang mailatag ang mga plano sa pagtiyak ng seguridad ng gagawing plebesito at katahimikan sa mga lugar kung saan ito gaganapin.

Nilagdaan ang Memorandum Order number 34 noong December 28 pero ngayon pa lang ito nailabas ng Malacañang.


Tuloy na tuloy na ang plebesito para sa BOL matapos magdesisyon ang Korte Suprema na huwag maglabas ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sana sa pagkakaroon ng plebesito.

Facebook Comments