Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment sa Labor attache ng Qatar, upang mamonitor ang kalagayan ng mga OFW doon.
Sa katunayan ayon kay Labor Under Secretary Dominador Say, dalawang beses sa isang araw silang humihingi ng update dito, at sa ngayon ay wala pa silang inaasahan na magkakaroon ng OFW layoff o pagpapauwi ng mga OFW dito sa Pilipinas.
Aniya, hindi nila nakikitang gagawin ito ng Qatar, dahil Pilipinas ang pangunahin nilang pinagkukunan ng mga manggagawa at kasambahay.
Gayunpaman, kung kakailanganin na pauwiin ang mga OFW, mayroon aniya silang naka handang contingency plan upang matugunan ang sitwasyon.
Bukod dito, patuloy rin aniya silang nakikipagugnayan sa Department of Foreign Affairs upang agad na maalis ang suspensyon ng pagpapadala sa mga OFW sa Qatar, sa oras na mag labas ng go signal ang DFA.
DZXL558