DOLE-7 naghahanda na sa mga job fair ngayong Labor Day

Cebu, Philippines – Naghahanda na ang Department of Labor and Employment sa Central Visayas sa idadaos na job at business fair para sa seleberasyon ng labor day ngayong Mayo 1, araw ng Lunes .

Sa Central Visayas Region , sabay na idadaos ang job fair sa Cebu City Sports Center , Cebu Provincial Capitol at sa SM City,Cebu .

Ayun sa DOLE-7malaking pagkakataon ito para sa mga aplikante na makahanap ng trabaho   kaya`t inaanyayahan nito ang publiko lalo naang kakatapos lang sa pag-aaral na samantalahin ang job at business fair ngayong labor day .


Facebook Comments