Barangay chairman, patay sa pamamaril ng mga miyembro umano ng NPA

Pagadian,Philippines – Pitong  tama ng bala ng baril ang ikinamatay ng isang 60-anyos na barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng  mga miyembro umano ng New People’s Army sa Brgy. Dumalian, San Miguel, Zamboanga Del Sur.
Sa ulat naipinarating ng San Miguel Police, nakilala ang biktimang si Rodrigo Matchuca,chairman ng Brgy.  Dumalian, sapag sisiyasat ni PO3 Rammel Gansad, dakong 9 ng gabi binaril ang biktima habang naka-upo sa tindahan, ngunit nakaganti pa ito at napatay ang isa sa mga suspek na nakilalang si Dexter Gualdaraha miyembro ng NPA.
Kaagad namang tumakas ang iba pang apat na suspek, dahil sa pangyayari naka-alerto ngayon ang PNP San Miguel.

Facebook Comments