DOLE, agad na ipatutupad ang mga programa sa ilalim ng Bayanihan 2

Agad na pasisimulan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang iba’t iba nitong programa na may kaugnayan sa pagbibigay ng tulong o ayuda sa mga manggagawang lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Undersecretary Joji Aragon na natanggap na kasi nila ang ₱13 billion na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa nasabing pondo, ₱5 billion dito ang nakalaan sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na magbibigay ng financial assistance sa 993,432 formal workers, ₱6 billion naman ang nakalaan para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na mabebenepisyuhan ang nasa higit 863, 867 informal workers, ₱2 billion para sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) programs na tutulong sa tinatayang 200,000 displaced OFWs.


Maliban dito, magkakaroon din sila ng partnership kasama ang CHED kung saan magkakaloob ng ₱30,000 one time scholarship grant sa 30,000 anak ng OFWs at ₱3 billion bilang pantulong sa tourism industry kung saan mabebenepisyuhan ang nasa higit 600,000 tourism workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Facebook Comments