Manila, Philippines – Binatikos ni KMU Chairperson Bong Labog si Labor Sec. Silvestre Bello III dahil sa aniya ay pakikipagsabwatan sa employers at kabiguang tapusin ang umiiral na kontraktwalisasyon sa bansa.
Hindi rin kumbinsido ang grupo sa ipinagmamalaki ng DOLE na mahigit 300,000 contractual employees ang na-regular sa kanilang mga trabaho.
Kinontra din nila ang pagtatrabaho sa bansa ng mga Chinese national.
Ito ay dahil sa pangangamba na baka mawalan ng trabaho ang mga Pinoy kung magpapatuloy ang pagkuha sa mga dayuhang manggagawa ang gobyerno.
Kasabay nito, hinimok ni labog ang kamara na palakasin ang panukalang P750 national minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Facebook Comments