DOF at NEDA, tutol sa pagpapantay ng minimum wage sa lahat ng rehiyon sa bansa

Tutol ang Department of Finance (DOF) at ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pag-institutionalize ng national minimum wage.

Sa pagtalakay ng House Committee on Labor and Employment sa pitong panukalang inihain kaugnay sa institutionalization ng national minimum wage ngayong hapon, ay inihayag ng DOF at NEDA ang kanilang posisyon sa usapin.

Giit dito ni Jeanne Guinto ng DOF, hindi maaaring ipantay ang sahod ng lahat ng rehiyon sa bansa dahil may iba’t ibang pangangailangan ang bawat probinsya at syudad .


Kung gagawing pantay ang minimum wage ay malaki ang epekto nito sa pagtaas ng inflation na hindi maganda para sa mga negosyo at sa bawat household.

Sinabi naman ni NEDA Director Reynaldo Cancio na suportado nila ang taas-sahod ngunit hindi ang pantay na minimum wage sa lahat ng lugar sa bansa.

Paliwang ng NEDA, ang bawat rehiyon ay may magkakaibang economic conditions kaya ang sahod ay dapat ibatay dito.

Nanindigan ang NEDA sa nais na panatilihin ang tripartite wage mechanism para sa pagtatakda ng minimum wage sa mga rehiyon.

Sa ganito paraan ay may balanse sa lahat ng sektor na makapagbibigay ng atensyon sa interes ng mga empleyado at employers.

Iginiit naman ni DOLE-National Wages and Productivity Commission (NWPC) Ms. Criselda Sy na anumang mapagkasunduang minimum wage ay dapat isaalang-alang dito ang isyu sa unemployment, inflation at epekto sa pagtaas ng mga presyo.

Facebook Comments