MRT-3, nagbabala na hindi pasasakayin sa mga tren ang mga commuter na hindi susunod sa minimum public health protocols

289

Nagbabala ang MRT management na pabababain o hindi pasasakayin sa bibiyaheng tren ang mga hindi susunod sa minimum public health protocols.

Tiniyak ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na mas maghihigpit sila laban sa mga hindi sumusunod sa minimum public health protocols sa buong linya ng MRT-3.

Ito’y upang maprotektahan ang kaligtasan ng mga pasahero sa patuloy na implementasyon ng Alert Level 1 sa Metro Manila.


Hiningi niya ang kooperasyon ng mga pasahero upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga tren at estasyon ng MRT-3.

Aniya may otoridad ang mga platform at train marshals na magpababa at huwag magpasakay sa sinumang lalabag sa protocols.

Facebook Comments