DOLE babaguhin ang Bilateral Labor Agreement sa Saudi Arabia

Nais baguhin ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang Bilateral Agreement ng Pilipinas at Saudi Arabia para maprotektahan ang mga OFW na naka base sa nasabing bansa.

Ayon kay Bello pag uusapan nila kung ano ang mga probisyon na kinakailangan para sa mga Pilipinong manggagawa.

Isa sa kanilang panukala ay ang Template Employment Contract na magbabawal na kunin ng kanilang Employer ang Passport at mga cellphone nito.


Nakasaad din sa nasabing Kontrata ang magiging kasunduan sa oras ng pagtatrabaho, pagkain at kung kinakailangang ilipat ng Employer ang isang OFW.

Aniya dumarami ang mga nagrereklamo sa kanila ng pang aabuso mula sa kanilang mga Employer kaya’t nais nilang masiguro ang kaligtasan ng bawat Pilipinong manggagawa sa nasabing bansa.

Facebook Comments