Mariing pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang pagpapasahod sa mga manggagawa para sa mga idineklarang holiday sa buwan ng Oktubre at Nobyembre 2022.
Ito ay alinsunod sa inilabas ni Secretary Bienvenido E. Laguesma na Labor Advisory No. 21, series of 2022, na nagtatakda ng wastong pasahod sa mga manggagawa para sa mga idineklarang special non-working days sa Oktubre 31 at November 1; special working day sa November 2, at regular holiday naman sa November 30.
Idineklara sa Proclamation No. 79 na special (non-working) day ang Oktubre 31, samantalang Idineklara sa Proclamation No. 1236 ang Nobyembre 1 bilang special (non-working) day para sa pag-alala sa Araw ng mga Patay.
Idineklara naman bilang special working day ang November 2 para sa Araw ng mga Kaluluwa habang regular holiday naman ang November 30 para sa pagdiriwang ng Araw ni Bonifacio.
Facebook Comments