DOLE, binanatan ang mga pribadong ospital maliit lang ang ibinabayad sa mga nurse

Sinupalpal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ilang pribadong ospital sa bansa na dahilan kung bakit napipilitang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Filipino nurses bunga ng kanilang “exploitative” practices.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaki ang kaibahan ng sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa public o government hospital kumpara sa mga nagtatrabaho sa pribadong ospital.

Aniya, sinasamantala ng ilang pribadong ospital ang mga nurses.


“Maraming hospital dyan ang yaman yaman pero kung magbigay ng sweldo, below the minimum pa. Kaya…we should not be surprised na marami sa mga nurses natin ang gusto mag-abroad dahil wala silang opportunity to earn a reasonable salary dito,” sabi ni Bello.

Ang mga nurse sa public hospitals ay sumasahod ng ₱30,000 hanggang ₱32,000, at kaya itong tumbasan o higitan pa ng mga pribadong ospital.

May ilang pribadong ospital na naniningil pa ng traning fee sa mga nurses imbes na swelduhan ang mga ito.

Pinayuhan ng DOLE ang mga nurses na idemanda ang mga hospital-employer na hindi sila binabayaran ng kahit minimum wage.

Facebook Comments